Anong ibig sabihin nito para sa JTI?
Ang mga karapatang-pantao ay mga unibersal na pamantayang pantay-pantay na naaangkop sa bawat tao, nasaan man sila sa mundo, na nasasaklaw ang mga paksa tulad ng pantay-pantay na oportunidad, mga pamantayan sa pagtatrabaho, kalayaan sa pagsasalita, at pribasidad.
Nagbibigay tayo sa lahat ng empleyado na malinaw na impormasyon tungkol sa mga karapatang-pantao at nagsasagawa tayo ng mga pagsusuri sa epekto para malaman at mabawasan ang mga potensiyal na isyu sa mga karapatang-pantao.
Nakikipagtulungan tayo sa mga internasyonal na organisasyon, mga non-governmental organization, at mga pribadong kompanya para mapabuti ang mga sitwasyon kung saan maaaring manganib ang mga karapatang-pantao. Nagsasagawa tayo ng ibayong pag-iingat para mabawasan ang panganib na magkaroon ng child labor sa ating mga operasyon at nagtatrabaho upang matanggal ang child labor sa mga komunidad kung saan katanggap-tanggap sa kanilang kultura ang ganitong gawain.