Anong ibig sabihin nito para sa JTI?
Aktibo nating pinamamahalaan ang ating mga responsibilidad sa kalikasan at nakatuon sa patuloy na pagpapabuti at malinaw na pagpapaalam ng ating pagganap.
Ang ating negosyo at supply chain ay nahaharap sa panganib ng pagbabago sa klima o climate change, pagkaubos ng mga natural na kayamanan, kakulangan sa tubig, at pagkagambala sa mahahalagang serbisyo sa ecosystem.
Nakatuon tayo sa pagbabawas ng ating konsumo sa enerhiya at emisyon ng CO2 sa pamamagitan ng mga programa sa pagbabawas ng konsumo at pamumuhunan sa renewable o nagagamit muli na enerhiya. Nakatuon din tayo sa pagbabawas ng ating konsumo sa tubig at maiwasan ang pag-aaksaya sa ating mga operasyon. Kabilang dito ang pamumuhunan sa pagsasanay, pagbibigay kaalaman, at mga programa sa pagbabawas.
Sinisiyasat natin ang mga panganib sa kalikasan sa kabuuan ng ating supply chain, at pinaiiral ang isang pinagsama-samang paraan para mabawasan ang mga panganib na ito sa pamamagitan ng ating mga proseso sa procurement at sa pakikipagtulungan sa ating mga supplier, leaf grower, at iba pang stakeholder.