Anong ibig sabihin sa akin nito bilang isang empleyado?
Ako ay maingat kapag may hawak na personal na impormasyon. Palagi kong iginagalang ang probasidad ng mga indibidwal na kabilang at gumagamit ng impormasyon na naaayon sa batas.
Partikular akong maingat kapag gusto kong magbahagi ng personal na impormasyon. Ginagawa ko lamang ito kung mayroong lehitimong dahilan sa negosyo. Kung ako ay may agam-agam, humihingi ako ng gabay mula sa lokal o panrehiyong Legal Counsel.
Gumagamit lamang ako nang ligtas at naaprubahang IT solutions ng JTI para mag-store at mag-share ng kumpidensiyal at personal na impormasyon. Pinapanatili ko ang aking mga device at dokumento na ligtas, at nagpapanatili ako ng mahirap malaman at ligtas na mga password sa pag-access ng mga sistema sa IT, website, at iba pang ari-arian ng JTI.
Isinasagawa ko ang ibayong pag-iingat kapag nagtatrabaho sa labas ng JTI para matiyak na ang mga di-awtorisadong tao ay hindi maririnig, makikita, o maa-access ang kumpidensiyal na impormasyon o mga password.
Kung makatanggap ako ng kumpidensiyal na impormasyon at hindi ako sigurado sa pinagmulan o itinakdang gamit nito, kakausapin ko ang aking manager. Hindi ako kailanman sumasagot sa mga kahina-hinalang mensahe na humihiling ng kumpidensiyal na impormasyon at hindi ako nagbubukas ng mga link o attachment na naglalaman ng ganitong mga mensahe.
Agad akong nag-uulat ng tungkol sa anumang paglabag ng kumpidensiyalidad o di-wastong paggamit ng impormasyon sa aking lokal o panrehiyong Legal Counsel, o isang miyembro ng Compliance o Information Security team.