Anong ibig sabihin nito para sa JTI?
Ang insider dealing ay ang paggamit ng panloob na impormasyon para sa personal na kapakinabangan o para makinabang ang isang third party. Maaari rin itong tumukoy sa rekomendasyon base sa panloob na impormasyon. Ang panloob na impormasyon ay ang anumang di-pampublikong impormasyon, na kung malantad, ay maaaring magkaroon ng mahalagang epekto sa presyo ng securities ng kompanya. Ang panloob na impormasyon ay maaaring kabilangan ng kumpidensiyal na mga pinansyal na resulta, deklarasyon ng mga dibidendo, mga isyu o buyback ng shares, mga pangunahing plano sa pagpapalago, at mga iminungkahing merger, mga acquisition, o mga takeover.